Friday, February 27, 2009

ALIPIN CHAPTER 4

CHAPTER 4
“Oh,ingatan mo yang pinamili natin ah?”
“Wait,sakin lahat toh?”
“Yup,kanino pa bah?”
“Ah wala,akala ko kasi-“
“pahinga muna ako,napagod ako sa kaka-karga
Sa`yo”
Napakagat siya sa labi,na-guilty siya kahit papano
,dahil sa kanya kaya nahapo ito.Akala niya kasi
Na para sa nobya nito ang mga pinamili nila,
Kaya nainis siya at siya pang pinadala nito.Sa kanya rin
Naman pala yun mapupunta,`teka,
Bakit naman ako maiinis?nagseselos ba ako?`
Ipinilig niya ang ulo `ah hindi,imposible,hindi kagaya
Ko ang mga tipo nito`

KINABUKASAN..
“Dwight,punta muna ako sa bahay,kukumustahin ko lang
Sina mama”
“ok,balik ka agad ha?” habang nakatutok ang mga mata nito
Sa flat screen tv
Alis na sana ang dalaga ng bigla itong lumapit at..
“wait” hinalikan siya nito sa noo! “ingat ha?”
At bumalik ito sa sofa at nakatutok ang mga mata sa tv
Na parang walang nagyari,”o-okey”
Na lang ang nasabi,nagtaka siya sa ginawi nito.
“bye” dugtong niya,itinaas naman nito ang kamay at ikinaway sa kanya
Pero nakatutok pa rin ang mga mata sa telebisyon.

NANG wala nang marinig si Dwight na mga yabag ng dalaga,
Ay dali dali siyang lumapit sa bintana para makasigurado
Kung wala na ba talaga ito,napangiti siya,
Masaya siya dahil dumating ito sa buhay niya,at ngayo`y
Magkasama pa sa iisang bahay!
Kinuha niya ang picture frame na nakatago sa isang drawer,
At ang larawan na nandoon ay kay Sydney!
Ang totoo ay matagal na niyang gusto ang dalaga,
Simula nong nakilala niya ito at ng mabuo ang barkada
Ay nabighani na siya dito,pero natatakot siya na pormahan ito,
Ito kasi ang tipo ng babaeng di pwedeng saktan,
Na mag-aasam ng isang kasal..
Balang araw ay yun ang gusto niyang gawin,pero
Takot pa siya sa isang lifetime commitment,
Gusto pa niyang I enjoy ang pagkabinata
Takot din siyang kapag naging sila ay kung ano
Pa ang magawa dito,because he’s naughty and
“sex” has a big part on his life.Di niya kayang
Makita itong masaktan,at baka pagsisihan pa nito
Pag ibinigay ang sarili sa kaniya,at yun ang ayaw na ayaw niya!
Kaya hanggang tanaw lang siya dito.That’s why he go for easy girls
Like Mary.Pero umaasa siya na magiging sila din nito sa huli,
At mamahalin ito habang-buhay. Pero pano na ngayong
Dito ito pansamantalang nakatira?Kapag makaharap niya ito ay
Di niya alam basta na lang magkanda-kanda-buhol na ang hininga
Niya,Kaya hangga’t kaya niya,hangga`t maari ay iiwasan niya ito.

No comments:

Post a Comment