Friday, March 6, 2009

BRAVEHEART TEASER

BRAVEHEART –pinkxoda/kimchisushi

TEASER:Wala nang mahihiling pa si Melody.Feeling niya ay nasa kanya na ang lahat.Lalo na nung dumating sa buhay niya si Josh,ang kanyang nobyo.Nangako ito na hindi siya iiwan.

Pero matutupad kaya nito ang pangako kung nanganganib naman itong mawala sa buhay niya? At kailangan niyang patatagin ang sarili sa kung ano man ang mangyayari…

ANG LOVE KONG MATON TEASER

ANG LOVE KONG MATON

TEASER: Simula nang mahalikan siya ng kaibigang si Drake ay di na nito pinatahimik ang isip niya.At nang maglaon ay naramdaman niyang umiibig na siya dito.

Pero paano niya ito paiibigin kung gayong ang pagkakakilala nito sa kanya ay isang tomboy?

Kung kaya`t binago niya ang sarili para dito.Pero hindi pala yun ganun kadali.

“Ang lapit mo lang,pero bakit di kita maabot-abot ?”

*Tunghayan ang love story ni Drake at Lyka sa “ANG LOVE KONG MATON” .

WAIT FOR YOU TEASER

WAIT FOR YOU by pinkxoda/kimchisushi

Teaser:
Si Chase ay tinagurian na isang playboy kaya hindi siya nagpapa-easy –easy sa mga katulad nito.Pero na-realize niya na mahal niya pa rin ito,kahit ilang taon na ang lumipas.
Niligawan siya nito noon pero binasted niya ito dahil ayaw niya sa mga playboy,natatakot siya na masaktan,at pinagsisihan niya ang bagay na yun.

Isang araw ay nalaman na lang niya na may nobya na pala ito,na mahal na mahal naman nito.Ang sakit-sakit ng kanyang puso ng malaman iyon at sinubukan niya itong kalimutan.Pero heto na naman at nagpaparamdam ulit sa kanya at nasabi nito sa kanya na naghiwalay na ito at ang nobya.Sinubukan naman nitong ibaling ang atensyon sa kanya dahil siguro nasaktan ito ng todo.Alam niya na mahal pa rin nito ang ex,kaya nalilito siya kung papayag sa gusto nito.

Pero ito na ang pagkakataon na mabaling kahit saglit ang atensyon nito sa kanya ..
Papayag ba siya kahit alam niyang masasaktan siya ulit sa huli?


“Chase,do you love me or am I just a substitute for what you can`t have?”