Friday, March 6, 2009

WAIT FOR YOU TEASER

WAIT FOR YOU by pinkxoda/kimchisushi

Teaser:
Si Chase ay tinagurian na isang playboy kaya hindi siya nagpapa-easy –easy sa mga katulad nito.Pero na-realize niya na mahal niya pa rin ito,kahit ilang taon na ang lumipas.
Niligawan siya nito noon pero binasted niya ito dahil ayaw niya sa mga playboy,natatakot siya na masaktan,at pinagsisihan niya ang bagay na yun.

Isang araw ay nalaman na lang niya na may nobya na pala ito,na mahal na mahal naman nito.Ang sakit-sakit ng kanyang puso ng malaman iyon at sinubukan niya itong kalimutan.Pero heto na naman at nagpaparamdam ulit sa kanya at nasabi nito sa kanya na naghiwalay na ito at ang nobya.Sinubukan naman nitong ibaling ang atensyon sa kanya dahil siguro nasaktan ito ng todo.Alam niya na mahal pa rin nito ang ex,kaya nalilito siya kung papayag sa gusto nito.

Pero ito na ang pagkakataon na mabaling kahit saglit ang atensyon nito sa kanya ..
Papayag ba siya kahit alam niyang masasaktan siya ulit sa huli?


“Chase,do you love me or am I just a substitute for what you can`t have?”

1 comment:

  1. alam nyo po ba kung paano makokontak si ate kim? kasi may irerecommend po akong site sa kanya kung saan pede nyang isubmit ang stories nya para matanggap..

    ebook na po iyon kung mapa-publish.. thanks!!

    pakisabi nalang po punta sya sa site na 'to..

    http://www.filipinoromancenovelfrn.com/

    salamat po!!

    ReplyDelete