Friday, February 27, 2009

ALIPIN CHAPTER 3

CHAPTER 3
“hoy Sydney!gising,umaga na!” yinugyog siya nito gamit ang paa.
“Hmmm..ano ka bah,natutulog pa ung tao eh” litanya nya,
Bagama’t nakapikit pa ang mga mata.
“Kaya nga gumising ka na,dahil magluluto ka pa!”
Nainis na xa rito,tumayo at sumigaw sa tainga nito
“gusto mo na palang kumain,eh di magluto ka na
Mag-isa mooooo!” at bumalik sa pagtulog.
Nagpanting naman ang tainga ni Dwight.
“Hahalikan kita kapag di ka bumangon diyan”
Sukat sa narinig ay dagli syang bumangon
At tinungo ang kusina,sinundan naman
siya ni Dwight,at kinusot ang
magulo nang buhok,”haha,ayan,amo mo
ko dibah?kaya dapa’t sundan mong
lahat ng iuutos ko,JUMP PUPPY JUMP!”
Inirapan niya ito `asar!hmp,humanda ka sakin`
“Hoy dalian mo ha?!” tiningnan niya ang ref
kung ano ang pwede nyang mailuto,nakitang
may karne,itlog,longganisa,hotdog,atbp.
Naiinis sya dito kaya gumawa siya ng paraan
Tinimplahan niya ito ng kape na sobrang pait
At sobrang init!At ang karne ay sinunog niya,konti
Lang naman ang niluto niyang karne para di masayang
Nang dahil lang sa naisip na kalokohan.Marunong naman
Talaga siyang magluto,dahil pinapanood niya ang
Kanilang katulong pag ito’y nagluluto,nagpaturo naman sya dito
Hinanda na niya sa mesa ang agahan “Bosing etoh na!”
Malapad niyang ngiting tawag dito `haha,sarap naman niyan`
Masarap itong galitin dahil madali lang itong mapikon.
Pumunta siya sa kusina at kunwari nag-aayos ng pinaglutuan.
Nang Makita si Dwight na papuntang hapagkainan
Ay nagmasid lang siya kung anong
Magiging reaksiyon nito.
“Shit! Sydney halika nga!” nang makalapit ay..
“What is this?” “agahan mo” pa-inosenteng sagot
“yah,I know,but bakit naman sunog?”
“ah eh,alam mo naman na may katulong kami
Sa bahay dibah?kaya di ako marunong sa mga ganyan”
Napabuga ito ng hangin,naintindihan naman nito ang
Kalagayan niya.
“Never mind,I’ll just ..drink my coffee”
Tiningnan ito ng maigi ni Syd,na pa-slow motion
Nitong ilapit ang bibig sa baso..
“What the..Sydneeeeey!” di na nito mapigilan ang pasensya
Pinigilan naman niya ang pagtawa..nag “Sorry”siya dito
Ng pagkasweet-sweet at nag-peace pa.
Napabuga ulit ng hangin “change your clothes”
“baki-“ “just change the damn clothes!lalabas tayo”
Nasindak naman siya sa sigaw nito.”o-okay”
Nang makatapos ay”Let’s go?”

“Ara-aray,teka !” hila hila siya nito,magkaholding hands sila,
Papasok sa isang resto,”ano gagawin natin dito?”
“engot,eh di kakain,alam mo lang
Ay magsunog ng pagkain”
Nilabian niya ito.
“san na naman tayo pupunta?” tanong niya rito pagkatapos
Makakain at makalabas sa resto na yaon.
“basta”

“ARAY!ano ba mababali ng braso ko sayo” magkaholding hands
Sila pero una ito sa paglalakad at hila-hila siya nito,parang
Wala man lang itong narinig.sa mall ang kanilang pinuntahan..
Pumasok sila sa isang stall na puro pambabaeng damit ang
Naka-display at pumili ng pagkarami-raming damit “ito miss kukunin ko toh,
Ito rin,ito na rin,at ito na rin,at ito pah” grabe naman ito kung mamili,
Nanlumo siya ng may naalala,siguro para sa girlfriend nito yun.
Pagkatapos nitong pambayaran ang pinamili,sa huli siya rin pala
Ang magdadala!tatlong plastic sa isang kamay,at lima naman sa isa.
`di man lang ako tinulungan,ako pang pinadala
Eh para sa girlfriend naman ito ng mokong!`
“GENTLEDOG ka talaga Dwight ano?”hindi na niya matiis,
Dapat ito ang magdala dahil ito ang lalaki noh!`
Tiningnan lang siya nito at ngumiti,tumalikod na ito
`ah ganun ah?`
“Syd,bili ka nga ng ice cream” walang tumugon,nangunot ang kanyang noo
“syd?san na un?” pinaghahanap niya ito at bumalik kung san siya dumaan kanina,
Si Sydney nag-iiiyak sa sahig at nagsisisipa na parang bata!
“ah!huhu.ah ah ah!haaaaa!” palahaw ng dalaga.
Tumakbo agad siya at tinungo ang pinaroroonan nito.
“Hoy ano bah yang pinaggagagawa mo?” bulong nito,nakakahiya,pinagtitinginan
Na sila ng tao “hahalikan kita ngayon,sige ka!”
Lalo lang itong umiyak,”shit,ano bah Sydney?nakakahiya”
Alam ni Sydney na nakakahiya ang ginagawa nya,pero
Kailangan niya yung panindigan,para sa mas effective niyang drama.
“titigil lang ako pag ikaw magdadala nito” iniabot ang mga plastic bags
Napabuga ito ng hangin “Fine,just stop crying,okey?” tumango
Naman siya,tumayo na siya at may naisip siya,”wait”
Bigla siyang sumampay sa likod nito`tiyak mas mahihirapan ka,
Tingnan ko lang!` “sydne-“ nagkunwari na syang iiyak ulit,
Buga na lang ng hangin ang nagawa nito `haha,go Sydney!fighting!`
Usal ng isip niya
“teka bili tayo ng ice cream”
HABANG kumakain ng ice cream
Ay panay naman ang singhot niya sa
Buhok nito`dang,he’s so manly!
Humagikgik nalang siya habang ito
Ay hapong hapo,pinagtitinginan
Parin sila pero wala siyang
Paki,ang mahalaga ay naisahan niya ito!
Nakalabas na sila ng mall,at nasa loob
Na ng sasakyan ng sabihin niya dito
“Pwede na ba akong maging Best actress?”
At tumawa na parang demonyita.
Nag-aalab naman ang mga mata nitong
Nakatitig sa kanya,galit na galit!
Pero imbis na matakot ay lalo
Pa niya iyong ikinatuwa `ayan magalit ka!
“haha uto-uto!”nakahawak ang isang kamay sa tiyan
At ang isa ay sa bibig habang tumatawa.
Natigilan siya ng mahigpit nitong hinawakan ang kanyang
Braso at hinalikan!Buti na lang at walang makakakita dahil tinted
Ang sasakyan nito.Marahas,marahas ang pagkakahalik
Ng binata dito,pero para kay Dwight ito ay matamis,
Matamis na ang labi nito,at lalo pa itong tumamis
Dahil kakakain lang nito ng sorbetes,ang halik
Na iyon ay unti-unting naging mahinahon,
`oh lordy,ang sarap niyang humalik!`usal ng isip ng dalaga
Pero bigla ang pagdating realisasyon,may girlfriend
Na ito at magkaibigan sila,at hanggang dun lang
Yon! Tinulak niya ang dibdib ni Dwight,na ikinabigla
Naman nito,tumalikod si Syd at humarap sa saradong bintana
At kinakabahan,`jusko!ano bah un?`
Habang ang binata ay nakatingin sa manibela at
Paunti-unting ngumiti.

HANGGANG sa pagdating sa pad niya ay
Di na sila nag-imikan ng dalawa.

No comments:

Post a Comment